MAGSASAKA NG SIBUYAS NG BAYAMBANG, PATULOY ANG PAG-INDA SA MABABANG FARM GATE PRICE NG KANILANG PRODUKTO

Iniinda parin hanggang sa ngayon ng mga magsasaka ng sibuyas sa bayan ng Bayambang ang epekto ng mababang farm gate price ng kanilang aning produkto ngayong panahon ng anihan.
Umaabot lamang umano sa twenty three hanggang twenty eight pesos (P23-28) lamang ang bentahan ng kanilang produkto habang pumapatak sa forty pesos (P40) ang kanilang bentahan sa merkado. Saad pa ng ilang magsasaka na malabo na sila ay makabawi pa mula sa kanilang mga gastos at pagtatanim ng sibuyas.
Mababatid na ang isang ektaryang taniman ng sibuyas ay kailangang mamuhunan ng 250 hanggang 300 thousand pesos para sa mga punla, abono, pesticides, manpower labor at iba pa.
Ang P40 na farm gate price ay sapat na umano upang kahit papaano ay makabawi sa puhunan at P45 naman para sa dagdag kita.
Problema din umano ay ang pagsulpot ng army worm o ang harabas, pag ulan at pagbaha na malaki ang nagiging pinsala sa kanilang pananim.
Nanawagan naman ang mga ito ng suporta at tulong mula sa gobyerno para sa programa na makakatulong sa kanilang sector. | ifmnews
Facebook Comments