MAGSASAKA, PATAY MATAPOS MATABUNAN NG LANDSLIDE

Patay ang isang magsasaka matapos makulong sa bahay na natabunan ng landslide dahil sa malakas na pag-ulan buhat ng Super Typhoon Henry and Tropical Depression Gardo ng sa Mayoyao, Ifugao ngayong araw, Setyembre 1, 2022.

Kinilala ang biktima na si Renie Omayho Bullan, 37-taong gulang at residente ng Sitio Natimlan, Brgy. Mongol, Mayoyao, Ifugao.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang kapatid sa Sitio Natulan upang i-ligtas ang kanyang motorsiklo ngunit dahil sa lakas ng ulan ay nagpasya itong doon muna mamalagi.

Ayon sa PNP Cordillera, nagkaroon ng landslide sa lugar at natabunan ang bahay ng kapatid kung saan nakulong sa loob ang biktima noong Agosto 31, 2022.

Ang insidente naman ay nirespondehan ng Ifugao PPO, Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at iba pang volunteers upang magsagawa ng search and rescue operations sa lugar na nagresulta sa pagrekober ng wala ng buhay na biktima.

Dinala ang bangkay ng biktima sa kanyang bahay sa Sitio Natimlan, Brgy. Mongol, Mayoyao, Ifugao.

Facebook Comments