MAGSASAKA, PATAY MATAPOS SALPUKIN NG TRUCK ANG SINASAKYANG MOTORSIKLO

Cauayan City – Binawian ng buhay ang isang magsasaka matapos na salpukin ng isang truck ang sinasakyang motor sa Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela ngayong hapon, unang araw ng Abril.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM Newsteam sa San Mariano Police Station, ang biktima ay kinilalang si Dionisio Barroga Sr., 57-anyos, residente ng Brgy. Bagong Sikat, Naguilian, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng San Mariano PS, binabaybay ng motor at truck ang magkasalungat na direksyon nang bigla na lamang umanong pumasok sa kabilang linya ang truck dahilan upang masalpok ang noon ay paparating na si Barroga.


Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng malalang pinsala sa ulo ang driver ng motor na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Kusa namang sumuko sa kamay ng kapulisan ang driver ng truck matapos ang insidente, at kasalukuyang nasa kustodiya ng San Mariano PS para sa dokumentasyon at posibleng pagsasampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.

Facebook Comments