Magsasaka, Patay Matapos Sumalpok sa Poste!

756

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang magsasaka matapos itong maaksidente pasado alas 3:00 ngayong hapon sa kahabaan ng Brgy. San Nicolas, Delfin Albano, Isabela malapit sa barangay Tanod Outpost.

Kinilala ang nasawi na si Ernanie Milo, 35 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Purok 2, Brgy. San Juan, Delfin Albano, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ng biktima ang lansangan patungong Silangang direksyon lulan ang minamanehong motorsiklo na walang plaka at nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay nawalan ito ng kontrol sa manibela.

Dahil dito ay sumalpok ang biktima sa concrete post na malapit sa gilid ng daan.

Dinala sa ospital ang bikitima subalit idineklara din itong dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician.

Facebook Comments