Magsasaka patay ng malunod sa bayan ng Mlang North Cotabato

Patay ang isang magsasaka matapos malunod habang naliligo sa Quarry Side, Purok 3, Tibao, sa bayan ng Mlang sa lalawigan ng North Cotabato. Kinilala ang nasawi na si Severino Legara Largo, 48-anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Dakong alas 2:30 ng hapon nitong Sabado ng malunod ang biktima.
Kasama umano ng biktima sa paliligo ang pamangkin na si Boyet Catulong sa Quarry area pero napadako sa malalim na bahagi ang biktima hanggang sa makaramdam ng pulikat sa paa.
Hindi na mai-ahon ng biktima ang kanyang katawan hanggang sa tuluyan ng itong nalubog sa malalim na bahagi ng tubig.
Hindi na rin naisalba ng pamangkin ang tiyuhin hanggang sa tuluyang malunod. Makalipas ang isang oras ay narekober ng mga rescue team sa bayan ng Mlang ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments