Magsasaka patay sa pamamaril ng kanyang tiyuhin sa Datu Odin Sinsuat

29

Patay matapos pagbabarilin ng sariling tiyuhin ang isang 48 taong gulang na lalaki kahapon ng tanghali sa Barangay Margues Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Omar Diocolano, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa pahayag ng biyenan at pinsan ng biktima mula sa pagamutan, nangyari ang insidente dakong alas onse kahapon , nagkaroon ng di pagkaka-unawaan ang biktima at ang tiyohin nitong suspek na nauwi sa suntokan at barilan.
Nagtamo ng tama sa kanyang balikat at likod na tumagos sa kanyang baga ang biktima mula sa bala ng kalibre kurentay singko ayon pa sa doktor na sumuri sa biktima sa pagamutan .
Kinilala ang suspek na si Jassim Diocolanao .Sinasabing nag-ugat ang awayan ng dalawa matapos sipain ng biktima ang tatay ng salarin na kanya din umanong lolo.

Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang salarin na posibleng maharap sa kasong murder.(MUBARAK LAUBAN)

Facebook Comments