Magsasaka, Patay sa Pamamaril!

181

Cordon, Isabela – Patay ang isang magsasaka nang barilin ng Riding-In-Tandem criminals ganap na 6:30 kaninang umaga sa Brgy. Quirino, Cordon, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Eusebio Ofeciar, 54 anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar.


Batay sa impormasyong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP Cordon, ang biktima ay nagmamaneho ng kaniyang tricycle patungo sa kanilang sakahan kasama ang kaniyang asawa nang biglang binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Agad namang tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon matapos ang pamamaril.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang sa naturang mister na posibleng siya lamang target ng mga gun man dahil masuwerteng nakaligtas ang misis nito.

Samantala sa pinakahuling panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj. Vicente Guzman Hepe ng PNP Cordon, patuloy ang kanilang hot pursuit operation at follow-up investigation kaugnay sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments

From Advertisers