Magsasaka, Patay sa Pananaksak ng Kapatid sa Cagayan

30

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang magsasaka matapos pagsasaksakin ng sariling kapatid sa Brgy. Dalayap, Allacapan, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Allacapan, nakilala ang biktima na si Ador Rosario,43-anyos at ang suspek ay kinilalang si Jefferson Rosario, 31-anyos kapwa walang asawa at residente sa nabanggit na barangay.

Sa report ng PNP, habang nag-iinuman ang mag-ama kasama ang iba pang kaanak ay bigla nalang nagkaroon ng komprontasyon ng pagsabihan ng kanilang ama ang biktima sa umano’y maling paggastos ng ayuda na natanggap mula sa pamahalaan.


Dahil dito, namagitan ang suspek sa nangyaring pagtatalo ng kanyang kapatid at ama hanggang aksidente umanong nasaksak nito ang nakatatandang kapatid gamit ang kitchen knife dahilan upang magtamo ng sugat sa dibdib.

Una nang iginiit ng suspek na self-defense lang umano ang ginawa niya batay sa kanyang salaysay sa pulisya dahil nauna umano ang kanyang kuya na tangkang saktan siya gamit ang itak.

Samantala, nahaharap naman ang suspek sa kasong Homicide na ngayon ay nasa kustodiya ng PNP.



Facebook Comments