Mga raliyista, inokupa ang bike lane at first lane ng bahagi ng Welcome Rotonda; mga pulis, naghahanda para sa dispersal

326

Pumuporma na ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) upang i-disperse ang mga militanteng grupo na nagtipon-tipon sa Welcome Rotonda.

Ito’y matapos na okupahin ng mga ito ang bike lane at first lane sa bahagi ng Welcome Rotonda.

Pumupwesto na kasi ang mga raliyista na magtatayo ng stage para makapag programa.


Kaugnay pa rin ito ng selebrasyon ng Bonifacio Day.

Nagsanib-pwersa na ang mga raliyista na galing Maynila at ibang lugar sa Quezon city.

Nakaposisyon naman ang mga traffic enforcer para panatilihin na maayos ang daloy ng trapiko.



Facebook Comments