Magsasaka, Patay sa Panununtok ng Karpintero!

127

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang magsasaka nang mistulang gawing punching bag ang ulo nito ng isang karpintero sa Brgy. Dist 2, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Roberto Inovejas, 53 anyos, walang asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Dist 2, Benito Soliven, Isabela habang ang suspek ay si Clemencio Osalla, 53 anyos, karpintero na residente rin ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, bandang 10:30 kahapon ng umaga nang makita ng isang witness ang ginawang panununtok ng suspek sa ulo ng biktima habang ito’y nakahandusay sa simento.

Pasado alas 9:00 naman kagabi nang subukang gisingin ng kapatid ang biktima ay hindi na ito humihinga.

Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng kanyang attending physician kung saan ay tatlong (3) oras na itong walang buhay.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.




Facebook Comments