Abogado na Nagpaputok ng Baril, Sinampahan na ng Patong-Patong na Kaso

*Cauayan City, Isabela*- Sasampahan ng kaukulang kaso ngayong araw ang isang abogado matapos magpaputok ng baril sa kanyang apartment bandang 2:30 ng madaling araw sa mismong araw ng Bagong Taon sa Brgy. Qurino, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang suspek na si Atty. Alvin Endrinal, 39 anyos at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PMAJ. Ferdinand Laudencio, Hepe ng PNP Solano, positibo ang abogado sa nakalalasing na inumin ng mangyari ang insidente.


Maswerte namang walang tinamaan ng bala ng baril sa hanay ng kapulisan habang tumagal ang nasabing pagpapaputok sa loob ng 30 minuto.

Narekober sa crime scene ang 14 na basyo ng bala ng kalibre 40 na baril.

Nahaharap ang abogado sa patung-patong na kaso na Indiscriminate firing, attempted murder at paglabag sa RA 10591 o New Firearms Law.

Facebook Comments