Magsasaka, Patay sa Riding in Tandem

Reina Mercedes, Isabela – Posibleng may kaugnayan sa lupang sinasaka o negosyo ang motibo sa nangyaring pamamaril sa barangay Dangan, Reina Mercedes, Isabela.

Ito ang napag-alaman ng RMN Cauayan News Team sa pakikipag ugnayan sa PNP Reina Mercedes tungkol sa kanilang imbestigasyon sa naturang pangyayari bandang alas tres ng hapon ng Setyembre 21, 2017.

Magugunitang pinagbabaril na siya namang agarang ikinamatay ang isang Alex Tamayao y Langcay, 46 anyos, magsasaka at nagnenegosyo ng mga farm inputs at residente ng Purok 3, Dangan, Reina Mercedes, Isabela sa naturang petsa at lugar.


Sa imbestigasyon ng PNP, ang biktima sakay sa tricycle angkas ang kanyang maybahay na si Imelda Tamayao y Bulusan ay nilampasan sila ng isang motorsiklo at saka pinagbabaril ang biktima ng isa sa dalawang riding in tandem.

Pagkatapos ng pamamaril ay tumakas ang nakamotorsiklo pakanlurang direksiyon.

Di pa nakukuhanan ng pahayag ng PNP ang asawa ng biktima dahil kasalukuyan pa rin itong nagluluksa dahil sa pangyayari.

Facebook Comments