Isang SPO3, Pinagbabaril

Alcala, Cagayan – Dead on the spot ang isang SPO3 Romeo Bueno y Banera, kasapi ng Alcala police station sa lalawigan ng Cagayan nang pagbabarilin siya ng riding in tandem.

Sa nakalap na report ng RMN Cauayan News Team sa pamamagitan ng affiliate station Radyo DZCV reporter Evangeline Malana, ang biktima ay sakay sa kanyang motorsiklo habang binabaybay ang national highway na sakop ng Tupang, Alcala, Cagayan nang siya ay pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay sa motorsiklo galing sa kanyang likuran.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na siya namang nagdulot sa kanyang agad na kamatayan.


Narekober ng PNP sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng kalibre kuarenta y singko at hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng PNP Alcala ang mga motibo sa naturang krimen.

Facebook Comments