Magsasaka pinagbabaril patay sa Carmen North Cotabato

Isang magsasaka ang namatay ng barilin sa bayan ng Carmen sa lalawigan ng North Cotabato kagabi.
Nangyari ang insidente sa Sitio Linaag, Brgy. Lilionganesa sa bayan ng Carmen sa North Cotabato pasado alas otso kagabi. Kinilala ang biktima na si Roman Tamayo, 49 anyos , may-asawa, isang magsasaka ,residente ng lugar.
Nakarinig ng malakas na alingawngaw ng putok ang mga kapitbahay sa bahay ng biktima. Sa kanilang pagtungo sa lugar ay nakita nilang nakahandusay ang biktima sa sahig ng kanilang kusina na naliligo sa kanyang sariling dugo at wala na rin doon ang suspect.
Isinugod pa sa Carmen Medical Hospital ang biktima subalit hindi na umabot pa ng buhay . Inaalam pa ng Carmen Pnp kung sino ang suspect at ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments