Magsasaka, Pinagbabaril-Patay sa Tuguegarao City!

113

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang magsasaka matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy Namabbalan Norte, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Wilcado Canaya, 56 anyos, magsasaka at residente ng Purok 2 Brgy. Namabbalan Norte, Tuguegarao City.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang nakikipag-usap ang biktima kay Brgy. Kagawad Melanio Baccay sa harap ng bahay ni Lolita Canaya nang biglang dumating ang suspek at basta na lamang pinagbabaril ang biktima.

Agad na sumakay sa pick-up ang suspek at tumakas patungong lalawigan ng Isabela.

Isinugod naman sa ospital ng pamilya ang biktima subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Kasalukuyan pa rin ang imbestigasyon ng pulisya at manhunt operation laban sa lalaking suspek sa pamamaril.

Facebook Comments