PNP, mission accomplished sa ginanap na SEA Games

“Mission accomplished” na ang Philippine National Police o PNP sa pagtatapos ng Southeast Asian Games kagabi sa pamamagitan ng engrandeng closing ceremony sa New Clark City Tarlac.

Ayon kay PNP OIC P/Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ikinararangal ng PNP ang kanilang naging papel sa matagumpay na “hosting” ng Pilipinas sa nasabing palaro.

Aabot sa 27,000 pulis ang dineploy ng PNP sa iba’t ibang mga lugar na pinagdausan ng palaro at maging sa mga ibang lugar na binisita ng mga atleta upang tiyakin ang  seguridad ng mga dayuhan at mga lokal na bisita.


Kinilala rin ni  Gamboa ang kooperasyon at suporta ng mga publiko sa maayos na pagdaraos ng palaro.

Facebook Comments