Magsasaka, Pinagtataga ng Kapwa Magsasaka

106

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang magsasaka matapos pagtatagain ng kapwa magsasaka sa Barangay Masi, Rizal, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Rolando Asco, 46 anyos, walang asawa habang ang suspek ay nakilalang si Felipe Bayaua, 39 anyos, walang asawa at kapwa residente ng brgy Masi.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagbibilad ng bagong aning mais sa gilid ng kalsada ang biktima kasama ang kapatid na babae at iba pa ay dumating ang suspek na nasa impluwensya ng alak na kumuha sa atensyon ng biktima.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa binubot ng suspek ang dalang itak at itinaga ng maraming beses sa biktima.

Naawat naman ng mga residente ang suspek na agad tumakbo sa kanilang bahay habang isinugod naman sa pagamutan ang biktima para sa kaukulang lunas.

Nadakip din ng kapulisan ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya at inihahanda na ng pulisya ang isasampang kaso na Frustrated Murder.



Facebook Comments