MAGSASAKA SA BAYAMBANG ARESTADO, SA BUY BUST OPERATION

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang isang kwarentay dos anyos na magsasaka matapos magpositibo ang ikinasang Buy Bust Operation laban dito sa bayan ng Bayambang.
Ang suspek ay nakilalang si Bubot Pilas-Pilas residente ng San Gabriel 2nd sa nasabing bayan.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas dose ng madaling araw sa bahagi ng Manambong Sur na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .4 grams at nagkakahalaga ng mahigit dalawang libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments