Magsasaka sa Cagayan, Patay Matapos Uminom ng Lason!

Lasam,Cagayan – Patay ang isang lalake matapos uminom ng insecticide kamakailan sa Barangay New Orlins, Lasam, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Benjie Madriaga, dalawampu’t siyam na taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, lumalabas sa imbestigasyon ng Lasam Police Station sa tulong ng anak ng biktima na nakita umano nito na umiinom ng insecticide ang kanyang tatay na nagresulta sa pagkahimatay nito matapos bumula ang kanyang bibig.


Sinubukan pa umanong iligtas ng kapit bahay ang biktima subalit binawian na rin ito ng buhay.

Samantala, Napag-alaman ng pulisya na dahil sa selos ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng naturang biktima.

Facebook Comments