Dalawang Tsuper na Nagbebenta ng Marijuana, Nasakote ng PNP San Pablo!

San Pablo, Isabela- Arestado ang dalawang tsuper matapos masamsaman ng Marijuana sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng kapulisan kahapon sa Bayan ng San Pablo, Isabela.

Sa panayan ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Jojo Turingan, ang hepe ng PNP San Pablo, kinilala ang mga nadakip na sina Dionisio Mansibang, kwarentay tres anyos at Rene Boy Telan, trentay siyete anyos at pawang mga residente ng Simanu Sur, San Pablo, Isabela.

Ayon sa hepe, matagal na umanong sangkot sa kalakaran ng iligal na droga ang mga naturang suspek at mayroon na umano silang tinitignang lugar na taniman ng Marijuana na maaaring sumu-supply sa mga suspek.


Samantala, nagkapagtapos na sa Community Based Rehabilitation Program o CBRP ang kanilang hawak na mga Drug Responder at aktibo rin ang mga ito sa pakikilahok sa kanilang mga programa.

Facebook Comments