MULING IPINATUPAD | B.I. – nagpatupad ng balasahan sa 500 tauhan nito sa NAIA

Manila, Philippines – Muling nagtupad ng balasahan ang Bureau of Immigration sa halos 500 tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay BI OIC Deputy Commissioner Mard Red Mariñas – bahagi pa rin ito ng kampanya ng ahensya para mapigilan ang korapsyon at mapaganda pa ang kanilang serbisyo.

Mas nagiging produktibo kasi aniya ang mga immigration personnel kapag naililipat sila sa ibang workplace.


Kaugnay nito, 481 personnel na nagpapatupad ng counter duties ang nabigyan ng bagong assignments sa NAIA terminal 1, 2 at 3.

Nobyerbre 2017 nang huling nagpatupad ng balasahan ang BI port operations division.

Facebook Comments