
Arestado ang isang magsasaka sa Dasol, Pangasinan matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱10,200 sa ikinasang buy-bust operation noong Enero 21, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Ray,” 43-anyos, magsasaka at residente ng Dasol, Pangasinan. Isinagawa ang operasyon ng Dasol Police Station sa koordinasyon sa PDEA Region 1 matapos ipatupad ang isang Target Intelligence Packet.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nasa isang heat-sealed plastic sachet.
Nasamsam din ang iba pang non-drug evidence kabilang ang ginamit na buy-bust money, boodle money, iba pang drug paraphernalia.
Isinagawa ang on-site inventory at pagmamarka ng mga ebidensiya sa presensya ng mga itinakdang mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinatakda ng batas.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Dasol Police Station para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.










