Wednesday, August 5, 2026

π—§π—”π—Ÿπ—˜π—‘π—§π—’ π—‘π—š π— π—šπ—” π—–π—”π—¨π—”π—¬π—˜Γ‘π—’, π— π—¨π—Ÿπ—œπ—‘π—š π—œπ—§π—”π—§π—”π— π—£π—’π—ž 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—šπ—’π—§ π—§π—”π—Ÿπ—˜π—‘π—§

Cauayan City – Muling bibida ang talento ng mga CauayeΓ±o matapos I anunsyo ang pagbabalik ng Cauayan Got Talent version 3.0.

Sa inilabas na anunsyo ng Cauayan City Economic and Investment Promotion Office, magsisimula na ang kanilang paghahanap ng mga talentadong CauayeΓ±o na lalahok sa nabanggit na patimpalak.

Maaaring sumali sa kompetisyon ang lahat ng mga CauayeΓ±o na nasa edad 5 hanggang 50 taong gulang, solo, duo, o grupo, na may natatanging talento sa pagkanta, pagsayaw, instrumental, magic, comedy, o iba pang talento.

Para sa mga interesadong sumali sa kompetisyon, maaaring magpadala ng kanilang 3-5 minutes audition video simula March 15-hanggang March 23, 2026.

Ang sinumang tatanghaling Cauayan Got Talent Champion at mag-uuwi ng P30,000 cash prize.

Inaanyayahan naman ang lahat ng mga qualified na sumali na magpadala ng kanilang audition video at ipakita ang kanilang kahusayan sa kanilang talento.

Facebook Comments