Isang pampanga-based institutional buyer ang nakakuha ng kabuuang P1.072 milyon na halaga ng sibuyas mula sa isang magsasaka sa Pangasinan upang matulungan na i-market ang kanilang ani sa gitna ng kontrobersyal na supply at presyo ng nasabing bilihin sa bansa.
Mula sa Bayambang, Pangasinan ang magsasaka kung saan tinulungan ito ng KADIWA ng Department of Agriculture (DA) sa paghakot sa dalawang tonelada na kanyang ani ng sibuyas patungong Lubao, Pampanga.
Karagdagang 4.5 toneladang sibuyas pa ang dadalhin ng KADIWA truck ngayong araw, January 26 at 28.
Sinabi ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA Region 1 na nagkasundo ang institutional buyer at ang magsasaka sa pagbili ng mga sibuyas sa farmgate price na P165 kada kilo.
Humingi ng tulong ang magsasaka sa DA para sa marketing ng kanilang ani ng sibuyas dahil siya na ang umako sa responsibilidad sa pagbubungkal ng kanilang sakahan mula nang mamatay ang kanyang asawa. |ifmnews
Facebook Comments