Magsasaka sa Roxas, Isabela, Bagsak sa Ospital matapos magtangkang Magpakamatay!

*Roxas, Isabela- *Isinugod sa pagamutan ang 45 anyos na magsasaka matapos itong magbaril sa tiyan kagabi sa Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela.

Kinilala ang magsasaka na si Narciso Cayme at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Roxas, nakarinig ng putok ng baril mula ang kapatid ng biktima na si Rosita Cayme kaya’t tinungo nito ang bahay ng biktima at nakita ang duguang bahagi ng tiyan nito.


Agad namang humingi ng tulong sa mga barangay officials na idinulog naman sa himpilan ng PNP Roxas.

Narekober mula sa biktima ang kanyang ginamit na improvised 12 gauge shotgun na may kasamang isang pirasong bala at isang empty shell.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang biktima at inaalam pa ng PNP Roxas ang motibo sa tangkang pagpapakamatay ng biktima.

Facebook Comments