Magsasaka sa Roxas, Isabela, Huli sa kasong Attempted Homicide!

100

Roxas, Isabela – Dinakip ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito pasado alas onse ng tanghali sa Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Zaldy Marcos Soriano,trentay nueve anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto ng PNP Roxas si Soriano dahil sa kasong Attempted Homicide sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Fe Viray Alvaro ng MCTC Roxas-Quirino, Isabela.

Nasa himpilan na ng PNP Roxas ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

May inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Soriano na nagkakahalaga ng P36,000.00.

Facebook Comments