Magsasaka sa Roxas, Isabela, Malubha Matapos Tumbukin ang Kasalubong na SUV!

*Roxas, Isabela- *Nasa malubhang kalagayan ngayon sa pagamutan ang isang magsasaka matapos mabangga ang kasalubong na SUV ng PNP Camp Dangwa Bado, La Trinidad, Benguet lulan ang kanyang kuliglig pasado alas nuebe kagabi partikular sa Highway ng brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Kinilala ang magsasaka na drayber ng kuliglig na si Ronald Bonita, kwarenta anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng San Jose Sur, Mallig, Isabela habang ang drayber naman ng SUV na sasakyan ay minamaneho ni PO3 Christopher Ian Bugtong na nakatalaga sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet at residente ng Brgy. Inugan, Sta. Fe, Nueva Viscaya.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Engelbert Bunagan, ang hepe ng PNP Roxas, binabay ni Bonita ang isang one-way na daan sa naturang barangay lulan ang kanyang minamanehong kuliglig nang hindi umano makontrol ang manibela kaya’t natumbok nito ang kasalubong na SUV.


Sa lakas na impak ng pagkabangga ay nagtamo ng malalim na sugat si Bonita na agad namang isinugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na kasunduan sa pagitan ng pamilya ng ni Bonita kay PO3 Bugtong at nakatakdang mag-usap muli mga ito bukas hinggil sa naganap na banggaan para sa pinal na kasunduan.

Facebook Comments