Magsasaka sa San Guillermo, Isabela, Pinagtataga Patay!

95

*San Guillermo, Isabela-* Dead on Arrival (DOA) sa pagamutan ang isang magsasaka matapos tagain habang nakikipag inuman sa Sitio Dimala Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela.

Ang biktima ay nakilalang si Samuel Acoba, 39 anyos, may asawa habang ang suspek na pinaghahanap pa ng mga otoridad ay si Rudy Corpuz na pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Mariano Marayag Jr., hepe ng PNP San Guillermo, Isabela, habang nakikipag inuman sa mga kasama ang biktima ay biglang dumating ang suspek na may dalang itak at pinagtataga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Ayon kay PSI Marayag Jr. Nagkaroon muna ng alitan ang dalawa bago humantong sa pananaksak.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ng buhay.

Patuloy pa sa ngayon ang manhunt operation ng PNP San Guillermo sa tumakas na suspek na si Rudy Corpuz at mahaharap sa kasong Murder.

Facebook Comments