AFP VS ABU SAYYAF | AFP, bubuo ng bagong military division na ipapadala sa Sulu

Manila, Philippines – Bubuo ng bagong military division ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para ipadala ang mga ito sa Sulu at labanan ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, magre-recruit sila ng mas madami pang bagong sundalo para makabuo ng bagong dibisyon.

At kapag nalikha na ang bagong military division, gagawin itong permanente sa Sulu para ubusin ang Abu Sayyaf.


Matatandaan na una nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan nang magdagdag ng pwersa ng militar sa probinsya dahil sa mga engkwentrong nagaganap sangkot ang bandidong grupo.

Kamakailan din, limang sundalo ang napatay sa bakbakan kung saan labis itong ikinadismaya ng Pangulo.

Facebook Comments