San Mariano, Isabela – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 705 ang isang magsasaka at inaresto kahapon ng mga otoridad sa Brgy. Sta Filomena, San Mariano, isabela.
Isinilbi ng PNP San Mariano ang warrant of arrest ng akusado na si Ronald Albano Martinez, tatlumpu’t isang taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng Panninan, San Mariano, Isabela.
Ipinalabas naman ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 ang warrant of arrest ni Martinez dahil sa kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.
Makakalaya lamang ang akusado kung sakaling makakapaglagak ng nairekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php40,000.00.
Samantala, ang akusado ay dinala na sa San Mariano Police Station para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.