Magsasaka sa San Mariano Isabela, Nasamsaman ng mga Baril at Bala!

San Mariano, Isabela – Nakuha sa mismong bahay ng isang magsasaka ang mga itinagong baril at bala matapos ikinasa ng kapulisan ang search warrant kaninang umaga sa Purok 5, Brgy. Balagan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Arnold Lampag, tatlumpu’t walong taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ang search warrant ay ipinalabas ni hukom Isaac De Alba ng San Mariano at isinilbi ito ng San Mariano Police Station.


Nasamsam mula sa bahay ni Lampag ang isang caliber 38, anim na piraso ng bala ng caliber 38, dalawang piraso ng basyo ng bala at tatlong piraso ng bala ng 12 gauge shotgun.

Kasalukuyan nang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 o Ilegal Possession of Firearms and Ammunition laban kay Lampag.

Facebook Comments