Magsasaka sa San Mateo, Isabela, Huli sa kasong paglabag sa BP 22!

San Mateo, Isabela– Nadakip ang isang magsasaka sa kasong paglabag sa BP 22 o The Bouncing Checks Law matapos isilbi ang Warrant of Arrest sa Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si Bernard Mateo Tangonan, kwarentay uno anyos, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Inaresto ng PNP San Mateo ang akusado dakong alas dose ng tanghali matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Eric D. Banasan ng MTC San Mateo, Isabela dahil sa kasong paglabag sa BP 22.


Dinala na sa San Mateo Police Station si Tangonan para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansang P42,000.00.

Facebook Comments