Information dissimination, pangunahing maitutulong ng DZXL Radyo Trabaho sa Quezon City PESO

 

Matapos ang ilang kanselasyon ay natuloy din ang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho team sa Public Employment Service Office (PESO) Quezon City.

 

Mainit naman na humarap sa DZXL RT team si QC PESO Officer-In-Charge Carlo Magno Abella, Ms. Rhye Labrador at Mr. Alex Lopez.

 

Ayon kay OIC Abella, kahit walang memorandum of agreement ay kaisa natin sila sa layuning pagbibigay ng serbisyo publiko sa taongbayan.


 

Anya, noon pa man ay kasama na nila ang DZXL 558 sa kanilang mga aktibidad at iba pang programa.

 

Dagdag pa ni Abella, malaking tulong sa kanilang ahensya ang paglapit na ito ng  DZXL RT team para sa mas malawak na information dissimination.

 

Sa mga gusto din na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

 

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resumĕ o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming RT hotline – 882 2370 o magpadala ng mesahe sa RT textline 0967-372-9017.

 

Sa Radyo Trabaho, trabaho lang walang personalan.

Facebook Comments