Magsasaka sa Sto. Tomas Isabela, Nasamsaman ng mga Baril at Bala!

Sto. Tomas, Isabela – Nasamsaman ng mga baril at bala ang isang magsasaka kahapon ng umaga sa Brgy. Biga Occidental, Sto. Tomas, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon sa RMN Cauayan, kinilala ang suspek na si Roldan Zipagan, limampu’t isang taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Nakuha sa bahay ni Zipagan ang isang caliber 45, limang bala ng caliber 45, isang basyo ng caliber 45 at isang 12gauge shotgun.


Ito ay sa pamamagitan ng bisa ng search warrant na ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC, 2nd Judicial Region, Cauayan City sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Fire Arms and Ammunitions.

Dinala na sa Criminal Investigation and Detection Group 2- Isabela si Zipagan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon kaparte sa pagsasailalim sa inquest proceedings.

Facebook Comments