Tulak ng Droga na Kumikilos sa Tumauini Isabela, Nahulog sa Kamay ng Kapulisan!

Tumauini, Isabela – Nahulog sa kamay ng kapulisan ang pinaniniwalaang tulak ng droga na kumikilos sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Sherwin Concha, hepe ng PNP Tumauini na ang pinaghihinalaan ay si Kimbert Tuazon, bente dos anyos, isangĀ  bar attendant at residente ng Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Sinabi pa ni Police Chief Inspector Concha na unang nakatanggap ang pamunuan nito na nagbebenta ng droga si Tuazon sa nasabing bayan.


Dahil dito kaagad na ikinasa ang drug buy bust operation at matagumpay na naaresto si Tuazon mula sa nagpanggap na buyer na isang alagad ng batas.

Nakuha mula kay Tuazon ang limang daang piso bilang marked money kapalit ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o pagtutulak ng bawal na droga ang suspek kung saan ay nakapiit na ito sa PNP Tumauini.

Facebook Comments