Magsasaka sa Tumauini, Isabela, Inaresto dahil sa Kasong Arson!

39

*Tumauini, Isabela-* Natimbog na ng mga otoridad ang isang magsasaka na may kasong Other Forms of Arson matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas siyete kaninang umaga sa brgy Minanga, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Juan Tamma, 66 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Tumauini sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong Other Forms of Arson.

Dinala na sa Tumauini Police Station si Tamma para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang 120,000.00.

Facebook Comments