DALAWA KATAO SUGATAN, SA BANGGAAN NG DALAWANG MOTOR SA BAYAN NG TAYUG

Sugar sa iba’t-ibang bahagi ng Katawan ang tinamo ng dalawang katao matapos ang naganap na banggaang dalawang motor sa bayan ng Tayug.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Marvin Asuncion at Analyn Santiago, mga residente ng nasabing bayan.
Naganap ang aksidente pasado kwatro ng hapon sa bahagi ng Barangay Agno habang sakay ng kanya kanyang motor ang mga sangkot nang magbanggaan ang mga ito matapos mag overtake si Asuncion at paliko naman na sana si Santiago.

Dahil dito ay tumilapon ang Dalawa at nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng Katawan na agad namang isinugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan.

|ifmnews

Facebook Comments