Magsasaka, Sugatan sa Pananaga!

*Cauayan City, Isabela-* Sugatan ang isang magsasaka matapos tagain ng kanyang kainuman sa Brgy Pinoma, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Leony Gallema, 32 anyos, may asawa habang ang suspek ay si Mario Baloran, 37 anyos, kapwa magsasaka at residente ng Purok 6, Pinoma, Cauayan City, Isabela.

Batay sa report ng Cauayan City Police Station, bandang ala una y medya ng hapon, Pebrero 22, 2019 sa naturang barangay nang mag-inuman ang biktima at suspek kasama ang dalawa pang katao nang magkaroon ng mainit na pagtatalo sina Galema at Baloran.


Habang nag-aalitan ang dalawa ay biglang naglabas ng panabas si Baloran at itinaga ng dalawang beses sa kaliwang braso ni Gallema.

Agad namang dinala sa Cauayan District Hospital ang biktima para sa kanyang karampatang lunas dahil sa kanyang tinamong sugat habang naaresto naman ng mga Brgy Officials ang suspek na kalauna’y dinala sa himpilan ng PNP Cauayan para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments