Magsasaka, Tinaga ng Kainuman, Patay!

*Roxas, Isabela- *Patay ang isang magsasaka matapos tagain sa leeg ng kanyang kainuman na kapitbahay sa Brgy. Simimbaan, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Danilo Tique, 55 anyos, habang ang suspek ay si Janil Ortega, 36 anyos, walang asawa at kapwa residente ng Brgy. San Placido, Roxas, Isabela.

Sa inisyal na report ng PNP Roxas, bandang alas dyes kagabi nang mag-inuman ang biktima at suspek sa isang kubo nang magkaroon ng mga ng alitan ang mga ito na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima gamit ang isang itak.


Agad na namatay ang biktima matapos magtamo ng malalim na sugat sa kanyang leeg.

Kusa namang sumuko ang suspek sa kanilang Brgy Chairman na si Samuel Tejero at dinala ito sa Roxas Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments