Magsasaka tinapos ang tatlong dekadang pamumuno ng isang pamilya sa Palawan

Image via Facebook/Dorie Danao

Winakasan ng isang magsasaka ang mahigit tatlong dekadang pamumuno ng isang pamilya sa Narra, Palawan.

Nagwagi bilang alkalde ng nasabing bayan si Gerandy Danao laban sa katunggaling si incumbent mayor Lucy Demaala. Nitong eleksyon, nakakuha ng 15,062 boto si Danao habang 14,029 na boto ang nakamit ni Demaala.

Aminado si Danao na malaking pader ang kanyang binangga at tinulungan siya ng mga kamaganak at kaibigan upang mairaos ang mga gastusin sa kampanya.


Maliban sa pagsasaka, naging mangingisda rin si Danao dahil ang kanyang tirahan ay malapit sa bahay. Sa pamamagitan ng pagpuputol ng sanga ng ipil-ipil araw araw para ibigay sa mga alagang hayop, naging tanyag ang bagong mayor.

Ayon sa mga supporters ni Danao, sa tagal ng panahong nanungkulan ang pamilya Demaala wala silang napansin na pagbabago. Hangad nila na matapos na ang political dynasty at tuluyang pagunlad ng kanilang lugar.

Facebook Comments