Isang 62 anyos na magsasaka ang dumulog sa kapulisan matapos umanong makagat ng ahas sa isang sakahan sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas, Pangasinan.
Ayon sa biktima, hindi umano nito alam anong uri ng ahas ang tumuklaw sa kanya.
Sa tulong ng kapulisan, agad nadala sa pagamutan sa Urdaneta City ang biktima at binigyan ng paunang lunas.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa awtoridad, tiniyak na nasa maayos nang kalagayan ang biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







