Magsasakang Apektado ng ASF sa Isabela, Nabiyayaan ng Ayuda mula sa DA Region 2

Cauayan City, Isabela-Tumanggap ang tatlumpu’t anim na magsasaka mula sa Bayan ng San Manuel sa Isabela ng ‘indemnification’ o ayuda para sa mga naapektuhan ng African Swine Fever sa kani-kanilang alagang baboy.

Ayon sa pamunuan ng Department of Agriculture Region 2, nabigyan ng halagang P5,000 ang mga magsasakang isinailalim ang kanilang alagang baboy bawat isa sa culling o pagpatay upang hindi na makahawa pa ng ibang alaga.

Batay sa pahayag ni Regional Executive Director Narciso A. Edillo, magpapatuloy ang isasagawang monitoring sa mga backyard hograisers upang matiyak na maiiwasan ang pagbalik ng kinatatakutang sakit sa mga alagang baboy.


Giit naman ni Municipal Mayor Manuel Faustino Dy na makatulong ang ayuda na kanilang natanggap para sa muling pagbangon sa kabila ng hindi pa rin pinapahintulutan ng nasabing ahensya ang kanilang pag-aalaga ng baboy bilang panuntunan ukol dito.

Samantala, umaabot sa 1.4 milyong piso ang halaga ng financial assistance na naipamigay.

Isa naman sa tinitingnan na nakatulong sa pagpapanatili ng walang naidagdag na kaso ng ASF ay ang mahigpit na implementasyon ng quarantine rules hindi lang laban sa ASF kundi ang COVID 19.

Facebook Comments