Magsasakang may Kasong Rape, Arestado sa Quezon, Isabela!

23

Quezon, Isabela- Bagsak kulungan ang isang magsasaka matapos itong arestuhin ng mga otoridad sa kasong rape dakong alas tres kahapon, Oktubre 3, 2018 sa Brgy. Alunan Quezon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Alfredo Carino, nasa hustong gulang, walang asawa, magsasaka, at residente sa naturangbarangay.

Nadakip si Carino sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Lyliha Abella- Aquino ng RTC Branch 4, Tuguegarao City sa ilalim ng criminal case number 17596 na may kasong rape.

Samantala, agad namang dinala ng mga otoridad ang akusado sa kustodiya ng PNP Quezon para sa kaukulang dokumentasyon habang wala namang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments