MAGSASAKANG TULAK NG ILEGAL NA DROGA, BISTADO

Cauayan City – Mamamalagi sa piitan ang isang magsasaka nang maaresto ito ng mga awtoridad matapos magpositibo sa isinagawang Anti-Illegal Drug buy-bust operation sa Brgy. Dalig Kalinga, Aurora, Isabela, kahapon ika-8 ng Setyembre.

Ayon sa ulat, ang suspek ay kinilalang si alyas “Danilo”, kabilang sa listahan ng mga Street Level Individuals.

Sa ikinasang operasyon, positibong nabentahan ng suspek ang poseur buyer ng isang silyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.


Bukod pa rito, nakuha rin sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang isa pang silyadong pakete na naglalaman rin ng nabanggit na kontrabando, 500 peso bill na buy-bust money, at mga non-drug items.

Matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya, kaagad na dinala sa himpilan ng Aurora PS ang mga ito maging ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments