Magsasaka,Patay matapos Salpukin ng Sasakyan!

Ramon, Isabela- Patay ang isang magsasaka matapos salpukin ng isang pickup truck ang kanyang sinasakyang motorsiklo alas siyete kagabi, Disyembre 30, 2017 sa Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Rolly Arellano Sebastian, 40 anyos, magsasaka, may asawa at residente ng Purok 3 Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala naman ang drayber ng pulang Toyota Hilux na may plakang ABI 4138 na si Edgar Secolles Reyes, 48 anyos, may asawa, Civil Engeneer at residente ng Pangal Sur, Echague, Isabela.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Ramon, nangyari ang aksidente nang mag-overtake umano ang biktima sa sinusundan nitong sasakyan at masalpok nito ang kasalubong na sasakyang minamaneho ni Reyes.

Agad namang isinugod ng Ramon Rescue 316 ang biktima sa ospital ngunit namatay rin habang ginagamot.

Ayon sa mga nakakita sa insidente, nakainom umano ang biktima at wala ring ilaw ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Hawak ngayon ng pulisya ang drayber ng sasakyan at iimbestigahan pa ang nangyaring insidente.

Facebook Comments