Manila, Philippines – Inaasahang sa ikalawa o ikatlong linggo pa ng Mayo darating ang mahigit siyam na milyong sako ng mga inangkat na bigas.
Dahil dito, ayon kay Rex Estoperez, talagapagsalita ng National Food Authority (NFA), kailangan munang tiisin ng lahat ang mataas na presyo ng commercial rice.
Sadyang mataas kasi aniya ang puhunan ng mga commercial rice dahil mula ito sa mga local farmers.
Sabi naman ni Philippine Confederation of Grains Associations (Philcongrains) President Joji Co, simula sa linggong ito ay maglalabas sila ng P39 kada kilo ng well milled rice.
Facebook Comments