Manila, Philippines – Arestado ang magtiyahin matapos ang isinagawang Anti-Drug Campaign ng Pulisya sa Acasia Street Brgy. San Roque Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Hedalyn Urbiztondo 37 anyos at Rosemarie Baquilar 52 anyos, residente ng Acacia Street, San Roque 2, Brgy. Pag-Asa, Quezon City.
Ayon kay QCPD Station 2 Commander P/Supt. Igmedeo Bernaldez, una nilang naaresto sa operasyon ang pusher na si Urbiztondo na nakuhanan ng 7 gramo ng hinihinalang shabu.
Agad namang sumunod sa himpilan ng pulisya ang tiyahin ng suspek na si Baquilar, at tinangkang suhulan ang mga otoridad ng halagang sampung libong piso kapalit ng pagpapalaya sa pamangkin.
Subalit nabigo si Baquilar sa tangkang panunuhol dahil agad syang inaresto at pinosasan ng mga awtoridad.
Kasong paglabag sa Revised Penal Code Corruption of Public Official of 212 ang isasampang kaso kay Baquillar habang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa naman kay Urbiztondo.
Facebook Comments