Isang lalaki, pinagbabaril ng riding in tandem patay sa Caloocan City

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang 39 anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Bagong Silang Caloocan City.
 
Kinilala ang biktima na si Joven Casungkad residente sa Phase 1 Package 1 Brgy 176 Bagong Silang Caloocan City.
 
Batay sa imbestigasyon ng pulisya nakaupo lamang si Casungkad nang biglang dumating ang mga suspek na nakasuot ng helmet at face mask  lulan ng motorsiklo na walang plaka, agad na pinagbabaril ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan na siya siyang ikinamatay nito.
 
Tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
 
Inaalam na ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril at tinitingnan din nila kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.
 
 

Facebook Comments