Nananatili pa ring ligtas mula Corona Virus Disease 2019 o COVID 19 ang probinsya ng Maguindanao sa kabila ng pagkakaroon nito ng Persons Under Investigation o PUI at Persons Under Monitoring (PUM).
Minomonitor pa rin ng bawat Rural Health Unit ang mga PUI at PUM na under quarantine ayon kay IPHO Maguindanao OIC Chief Dra. Elizabeth Samama.
Bagaman wala pang kaso ng COVID-19 sa lalawigan, sinigurado ni Dr. Samama na pinaghandaan na rin nila ang Isolation Area kung saan ilalagay ang mga pasyenteng mag positibo sa virus.
Sa datos ng IPHO Maguindanao, umaabot sa 1,908 ang PUMs, 1, 674 ang Home Quarantine, 26 ang PUIs, at 234 naman ang nakakumpleto na sa 14 day quarantine .
Patuloy naman ang mga ginagawang inisyatiba ng Provincial Government katuwang ng mga myembro ng AFP, PNP at PDRRMO para maisigurong ligtas mula sa COVID 19 ang mga taga Maguindanao.
Maguindanao Covid 19 Free pa rin ayon sa IPHO
Facebook Comments