Maguindanao, Drug suspect, patay, dalawang pulis, sugatan sa buy bust operation

Patay ang isang drug suspect habang sugatan ang dalawang  pulis sa buy bust operation sa bayan ng  Datu Paglas Maguindanao kagabi.

Kinilala ang nasawing suspect na si Thong Sambulawan Maido 44 anyos residente ng brgy. Lipao datu Paglas.

Sinasabing nagpanggap na mga buyer ng droga ang dalawang pulis, ngunit ng matunugan ng suspect ay agad nitong pinagbabaril ang 2 pulis gamit ang caliber 45 pistol.


Nagkaroon ng palitan ng putok , resulta ng kamatayan ng suspect ayon pa kay Maguindanao  PD. Supt. Ronald Briones .

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatang pulis na may ranggong PO1 at PO2.

Nakumpiska sa pag iingat ng nasawing drug suspect ang 3 sachet ng shabu, baril, mga cellphones, xrm motorcycle at mga drug paraphernalia.

Facebook Comments